Pinagmulan ng Lahing Pilipino

From Wikipilipinas: The Hip 'n Free Philippine Encyclopedia
Jump to: navigation, search

Ang malawakang migrasyon ng mga iba't ibang tao patungong Pilipinas ay bunga ng paglitaw ng mga tulay na lupa(land bridges) noong panahon ng Pleistocene o Panahon ng yelo.Nagsasabi na nung panahong yun ay bumaba umano ang baytang ng tubig hanggang 200 talampakan.Ang paglitaw ng mga lupang tulay na ito ang nagdugtong sa Pilipinas sa buong Asya.


Tatlong Unang pangkat ng mga Ninuno sa Ating Bansa

'Negrito'-Ito ang unang pangkat ng tao na namalagi sa Pilipinas.Sila ay naglakbay mula sa gitnang Asya ; 25,000 taon na ang nakakaraan.Nakarating sila sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdaan sa mga lupang tulay.Sila ay maliliit,maiitim,sarat ang ilong,makapal ang labi,at kulot ang buhok.Nabubuhay sila sa pangangaso,panghuhuli ng isada at pagsasaka.Ang kanilang kasangkapan ay yari sa matatalim na bato.

'Indones'-Mayroong 2 pangkat ng Indones sa ating bansa.Ang unang pangkat ay nakarating mula sa Timog-Silangang Asya,sa pamamagitan ng bangka.Sila ay matatas,may kapayatan,maputi ang balat,at manipis ang mukha.May alam sila tungkol sa pagsasaka at ang kanilang mga bahay ay yari sa damo at talahib.Ang pangalawang pangkat ay nagmula sa Indo-Tsina at Timog Tsina.Sila ay may kaitiman makapal ang labi,lapad ang ilong,at malaki ang katawan.Nakadamit sila ng yari sa pinalambot na bakal o balat ng puno.Mahilig silang maglagay ng palamuti sa katawan.

'Malayo'-Sila ay lulan ng bangkang "balangay".Sila ay hindi kataasan at kayumanggi ang kanilang kulay.Ang mga Malayo ay may tatlong pangkat. Ang una ay galing sa Indonesia,pangalawa ay may dalang mga baybayin o alpabeto at ang ikatlo ay nanggaling sa Matandang Malaysia.