Latik

From Wikipilipinas: The Hip 'n Free Philippine Encyclopedia
Jump to: navigation, search

Ang latik ay pinaghalong asukal at gata ng niyog na pinakukulo hanggang ito ay maging malapot. Maingat ang pagluluto sa latik dahil kapag ito ay sumubra sa luto, ito ay magiging matigas at kapag kulang ng luto, ito ay magiging malabsa.

Ang latik ay inihahalo sa sinaing na malagkit para gumawa ng suman o ito ay ginagawang palaman sa 'sumang kamoteng kahoy'. Ito ay maari ding gawing sawsawan ng sumang tabang.