Ikalawang Digmaang Pandaigdig

From Wikipilipinas: The Hip 'n Free Philippine Encyclopedia
Jump to: navigation, search

Ito ang pinakamalaking digmaan sa kasaysayan ng buong daigdig.Nagsimula ito noong Setyembre 1,1939 nang sakupin ng Alemanya ang Poland.Nagwakas ito matapos ang anim na taon noong Setyembre 2, 1945 sa pagsuko ng Bansang Hapon at ang buo niyang puwersang militar sa Estados Unidos sa isang seremonya sa USS Missouri,isang barkong Amerikano sa Tokyo Bay. Sa loob ng anim na taong iyon,lahat ng malaking bansa sa daigdig ay sumali sa digmaang iyon.Lahat naman ng maliliit na bansa ay sumanib sa mga naglalabang puwersa,o di kaya'y nagdeklara ng hindi pagpanig sa alinmang puwersa nang maramdaman nila ang resulta ng digmaan sa kanilang bansa.


Ang 2 Panig

Ang mga kasali sa digmaang ito ay ang Alemanya,Italya,at Hapon na kilala bilang Kapangyarihang Axis(ang grupo na siyang natalo sa digmaan) at ang puwersang Alyado o Allied Forces na kinabibilangan ng Estados Unidos,Inglatera,Komonwelt ng USSR,Pransya at Tsina na siyang lumaban sa grupong Axis.Ang pangunahing isyu sa digmaang ito ay labanan at talunin ang agression ng unang grupo.


Asya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Binomba ng puwersang Hapon ang Pearl Harbor noong Disyembre 7,1941.Dito nakahimpil ang mga barkong pandigma ng mga Amerikano.Humigit kumulang 3,000 na tao ang nasawi sa pagsalakay na ito ng Bansang Hapon sa mga Amerikano.Bunga nito nawala sa Estados Unidos ang kanilang mahigpit na posisyon sa Pasipiko.Madaling napasok ng mga Hapon ang mga bansa dito na hawak ng Estados Unidos tulad ng Guam,Wake Island at ang Pilipinas.